Advertisers
CAGAYAN – Agad binawian ng buhay ang isang paslit na walong taon gulang nang mabundol ng scooter ng isang barangay kagawad sa bahagi ng Provincial Road, Mauanan, Rizal, Cagayan.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang walong taong gulang na biktimang si Windel Monatan, grade 4 pupil na residente ng nasabing lugar.
Sa report, tumawid ang bata sa kalsada para bumili sa sari-sari store sa nasabing lugar kung saan nabangga ng nasabing sasakyan.
Nagkataon naman na padaan si Kagawad Jonel Asucena, 36 anyos na siyang nagmaneho sa scooter na walang plaka at angkas ang dalawang katao na sina Vincent Rico at Richard Deo Bangayan, na papunta sana sa Baluncanag, Rizal, Cagayan.
Depensa ni Asucena, hindi niya napansin ang tumawid na bata dahil madilim ang paligid at gabi na nang mangyari ang aksidente.
Sugatan din sina Asucena, Rico at Bangayan nang sumemplang sila sa kalsada.
Itinakbo ang mga ito sa Tuao District Hospital ngunit inilapat sa CVMC ang batang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya si Kagawad Asucena para sa isasampang kaso laban dito. (Rey Velasco)