Advertisers

Advertisers

SEKRETARYA NG BARANGAY BRUTAL NA PINATAY SA LOOB NG BGY. HALL

0 628

Advertisers

TINADTAD ng saksak sa dibdib ang isang kalihim ng barangay ng kanyang kapitbahay dahil sa matagal ng alitan ng magkabilang pamilya sa Sta. Rita, Samar.

Kinilala ang biktima na si Suzette Yadoc, 49 anyos, may asawa; habang nadakip ang salarin na si Onelo Bisco Solayao, 37, kapitbahay ng biktima sa Barangay Binanalan, Sta. Rita.

Sinabi ni Major Neil Fernando Cerdeña, hepe ng Sta. Rita Municipal Police Station, nasa loob ng barangay ang biktima nang atakehin ni Solayao na armado ng patalim. Pinag-uundayan ito ng saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.



Lumabas sa imbestigasyon na matagal nang may alitan ang pamilya Yadoc at Solayao.
Kasalukuyan nakakulong sa Sta.Rita MPS si Solayao.