Advertisers
Imbes na sa reception, sa vaccination site dumiretso ang isang bride sa Cebu City.
Naka-schedule kasi ang naturang bride na magpabakuna ng second dose kontra Covid-19 sa mismong araw ng kanyang kasal.
Ayon sa bride na si Marlyn Carabio, wala na siyang panahon para magpalit pa ng damit matapos ang kaniyang kasal 2:00 ng tanghali.
Kwento ni Carabio, pagkatapos ng seremonya sa simbahan dumiretso na sila ng kaniyang asawa sa vaccination site.
“Kasi po, pagkatapos sa simbahan, gusto ko po matapos ma-vaccinate dahil po malayo po ang bahay namin sa vaccination area,” sinabi ni Carabio.
“Dahil paglabas po ‘yan sa simbahan, hindi na ako nakapagpalit ng damit,” dagdag nito.
Masaya naman raw ang bride dahil fully vaccinated na siya kontra Covid-19. Aniya, bakunang gawa ng Pfizer ang kaniyang nakuha.
“Mas masaya ma-fully vaccinate kasi po malayo ang lugar namin, isla po. Masaya po, may naki-picture nga eh,” sabi ni Marlyn.