Advertisers
ARESTADO sa 12 kaso ng rape, 5 acts of lascivious at attempted rape ang 27-anyos na lalaki sa Mandaluyong City.
Kinilala ni Colonel Gauvin Mel Unos, hepe ng pulisya, ang nadakip na si Elvis Princely alyas ‘Elvis Presly’, nakatira sa 376 Interior 1, J. P Rizal St., Barangay Namayan ng lungsod.
Hinuli ang suspek base sa tatlong warrant of arrest sa kanyang tahanan.
Gamit ng warrant operatives ang inilabas na warrant of arrest mula sa sala ni Judge Juliet Manalo San Gaspar ng Regional Trial Court (RTC) Branch-279 na may petsang Oktubre 7, 2021.
Walang nakalagak na piyansa sa 12 kaso ng rape laban sa akusado.
Nakapiit na ang suspek sa Mandaluyong PNP.(EDWIN MORENO)