Advertisers
ARESTADO ang isang mayoralty candidate ng Midsayap PNP sa ikinasang search warrant operation sa Barangay Upper Glad 1, Midsayap, North Cotabato, Kabuntalan, Maguindanao nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Midsayap PNP chief, Lt.Col. Rolly Oranza, ang nahuli na si Tom Nandang alias “Datukon” Nandang, 52 anyos, ng Barangay Upper Glad 1.
Sa ulat, hinalughog ang bahay ng suspek at nakuha ang sampung pirasong medium size ng shabu at ang caliber .45 pistol.
Tinatayang nasa P3.4-milyon ang halaga ng shabu ang nasabat mula kay Nandang.
Sinabi ni PDEA 12 Spokesperson Kath Abad, nito pang 2016 sinimulan ng PDEA ang surveillance laban kay Nandang at apat na taon na rin itong sangkot sa illegal drug activities.
Dagdag pa ni Abad na target listed si Nandang ng PDEA BARMM at area of operation nito ang Talitay, Maguindanao.
Sa monitoring ng PDEA12, nagmula sa bayan ng Talitay at Luzon ang nakumpiskang 500 grams ng shabu mula kay Nandang. (Mark Obleada)