Advertisers
Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group ang deployment ng Narcotics Detection Dogs (NDD) sa mga seaports at bus terminals na isinagawa sa Manila Habor Center, nitong Biyernes.
Idineploy ang labing-isang K9 Dogs kasama ang kanilang handler sa iba’y ibang lokasyon.
Ipinakita rito kung gaano kaepektibo ang mga nasabing K9 Dogs sa pag-amoy ng mga iligal na droga.
Partikular na magbabantay ang mga naturang aso sa mga malalaking bus terminal at Pier sa Region 1, 2, 3, 4-A, 5, Cordiller Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Ayon kay Col. Jean Fajardo ang Deputy Director for Operations ng PNP Drug Enforcement Group, ilang taon rin sinanay ang mga nasabing K9 dogs kasama ang kanilang handler na miyembro rin ng pulisya para masigurong magagawa nilang matukoy ang iligal ng mga kontrabando. At bukod sa handler at K9 dogs, makakasama ng mga ito ang ilang imbestigador mula sa PNP Drug Enforcement Group.
Makakatuwang ng mga Narcotics Detention Dogs ang ilan mga PNP Regional Offices, Maritime Group, Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard.
Bilang bahagi ng supply reduction strategy ng PNP Drug Enforcement Group nabatid nila ang mga illegal drug route o ang shabu trafficking flows sa Phil archipelago base sa impormasyon na nakalap sa mga nagdaang anti-illegal Drugs Operations.
Naniniwala silang ang mga illegal drugs kadalasan ng ibinibiyahe sa pamamagitan ng public bus terminals, airports, at seaports sa bansa, kaya sa pamamagitan ng Narcotics Detection Dogs (NDD) mapipigilan ang pagpasok ng mg ito.