Advertisers

Advertisers

OTS official at airport police nagkaayos na

0 315

Advertisers

NAGKAAYOS na ang isang opisyal ng Airport Police Department (APD) at ilang opisyales ng Office for Transportation Security (OTS) nang umano’y mapahiya ang una sa isinagawang zoom meeting ilang buwan na ang nakalilipas sa Pasay City.

Ayon kay Lt Jesus Ducusin ng APD-PIID, nakausap niya sina Usec. Raul del Rosario, Dir. Edgar Danao at Atty. Karen Lim at naliwanagan nito ang mga pangyayari na naging sanhi lamang ng hindi nila pagkakaunawaan.

Naging maalab lamang umano sila sa kanilang pagsisilbi sa gobyerno at pagprotekta sa kanya-kanyang mandato, dahilan na nauwi sa ‘di pagkakaintindihan.



Nagawang mag-usap at mag-ayos ng dalawang panig at nagdesisyon si Ducusin na hindi na ituloy ang kanyang kaso laban sa nasabing mga opisyal.

Bukod dito, nagkasundo rin si Ducusin at mga nasabing opisyal na magtulungan na lamang para sa kaayusan ng pambansang paliparan.(Jojo Sadiwa)