Advertisers

Advertisers

Pagbabakuna sa edad 12-17 anyos sa Maynila, umarangkada na

0 516

Advertisers

UMARANGKADA na nitong Biyernes sa Maynila ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 anyos nang walang naiulat na adverse reaction.

Personal na binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang estado ng mass vaccination program na pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna na siya mismong nagturok ng mga bakuna kasama si Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan at ginawa sa Ospital ng Maynila (OM).

Naganap ang maramihang pagbakuna matapos na bigyan ng go signal ng national government ang pagbabakuna sa nasabing age group.



Nabatid mula kay Pangan na ang first batch ng mga vaccinees na binubuo ng 90 minors na pawang may mga comorbidities at inilista ng kanilang mga mga chairmen sa kanikanilang mga barangay.

Ayon kay Moreno, ang first batch ng mga minors na binakunahan ay mula sa fifth district ng Manila, kung saan malapit ang OM. Muling iginiit ng alkalde ang kanyang panawagan na sa mga adult members ng pamilya na irehistro ang kanilang menor de edad na miyembro ng pamilya upang makatanggap ng libreng bakuna.

Sinabi pa ng alkalde na ang pagbabakuna sa mga ninors ay upang ihanda rin sila sa nalalapit na pagpapatupad ng face-to-face classes . Idinagdag pa ng alkalde na kailangan ding ng mga minors ng proteksyon na ipinagkakaloob ng bakuna laban sa coronavirus disease upang hindi mauwi sa severe o kritikal sakaling dapuan ng nasabing virus.

Ayon pa kay Moreno, ang city government ay matagal ng naghahanda para sa pagbabakuna ng mga kabataan may ilang buwan na ang nakakaraan kung saan may 50,000 minors ang nakapagparehistro.

Mayroong 23,354 vaccines na nakareserba para sa nasabing age group, ayon kay Moreno. Naghihintay pa rin ang city government ng kaukulang doses na magmumula sa national government.



Ayon naman kay Lacuna, na isa ring doktor, ang pangangailangan na mabakunahan ang mga minors ay kapareho din sa mga may edad na dahil walang pinipili ang coronavirus kung sinong dadapuan nito. (ANDI GARCIA)