Advertisers
NUEVA VIZCAYA – Bumagsak sa mga kamay ng alagad ng batas ang isang sundalo na aksidenteng napatay ang kaniyang squad leader sa Poblacion, Diadi dito sa lalawigan.
Kinilala ang naaresto na si Ricson Rulloda, 32 anyos, may asawa, kasapi ng Philippine Army at residente ng Duruarog, Diadi.
Sa pangunguna ng Bagabag Police Station sa pamumuno ni Major Romeo Barnachea Jr. at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), naaresto ang akusado sa bisa ng arrest warrar na ipinalabas ni Hukom Pablo Manuel Agustin ng RTC Branch 10,
Tuguegarao City na may inirekomendang piyansa na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Aksidenteng napatay ni Rulloda ang kaniyang squad leader noong Pebrero 2021 sa Alcala, Cagayan.
Ipinasakamay ang sundalo sa Alcala Police Station para sa kaukulang disposisyon. (Rey Velasco)