Advertisers
PARA sa mga miyembro ng national table tennis team na nagpe-prepara para sa susunod na taong 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, ideyal na ang kanilang venue para sa kinakailangang bubble training sa Marikina City.
Sa pagsisikap ni Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma katuwang si secretary general Pong Ducanes, naihanap ng isang lugar na sadyang angkop sa page-ensayo ng pambansang koponan sa pingpong,nang malugod na tinanggap ng isang tunay na table tennis enthusiast ang maging punong-abala sa nationals at ipinagamit ni Atty. Abet Reyes(founder at venue owner ng state-of-the-art Provident Table Tennis Club Gym na nasa Provident Village Lungsod Marikina) nang walang anumang kundisyon o kapalit basta para sa atleta at sa bansa.
“ Iba ang lebel ng ensayo ng mga bata.Ang laki ng asenso nila sa laro dahil hiyang sila sa venue at walang distraction ang kapaligiran dito”, wika ng dating collegiate pingpong player at ngayon ay PTTF official na si Ducanes.
Ikinalulugod naman ni pingpong patron Atty.Reyes ang determinasyon at disiplina ng mga bata sa kanilang PROTTEC bubble setup. “ Sa ganitong paraan man lang ay makabahagi ako ng suporta sa ating pambansang koponan sa table tennis”, ani Reyes na pamosong abogado at pride ng University of the Philippines.
Binubuo ang men’s team nina Jann Nayre ( qualifier youth olympic 2017 ), Joshua Castro, John Russell Misal (bubble), veteran Richard Gonzales at Japeth Adaza
Ang women’s naman ay kinabibilangan nina Emyrose Dael, Angel Laude, Jannah Romero , Rose Jean Fadol (bubble ) at Kheith Rhynne Cruz sa timon nina coach Lauro Crisostomo at assistants Anabel Commendador at Johanne Remaneses.
Taos-puso namang nagpasalamat si Ledesma sa tagasuporta ng kanilang adhikain partikular sa PROTTEC ni Atty Reyes, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.(Danny Simon)