Advertisers
PALPAK sa unang game niya si Russell Westbrook bilang Laker. Malayo ang laro niya sa kilalang triple-double player.
Mayroon lamang siyang 8 points, 5 boards at 4 assists sa 35 minutes na nasa loob siya ng court sa talo nila sa Golden State noong opening day ng NBA.
Heto percentage ng kanilang numero 0. 0-4 sa tres o 0% na kapareho ng kanyang jersey. 4-13 sa field o 30% lang. Wala siyang free throw attempt.
Namis niya mga open threes, easy jumpers pati lay-up. Tapos nasa homecourt pa nila na Staples Center.
Mabuti sina LeBron James at Anthony Davis maganda ipinakita. Mas mainan pa ang debut ni Carmelo Anthony kay sa kay Russ.
Nag-aadjust pa? Pwede, pero hindi niya dapat patagalin.
Noong pre-season wala silang dinaig kasama na ang Warriors. 0-6 kanilang kartada.
Yan sinasabi ni Pepeng Kirat. Hindi bagay si Russell sa line-up ng LA Lakers na kung saan ang pinakabida ay si King James. Kasangga niya si A D.
Dapat ang kinuha ay si Chris Paul na natural na point guard. Yan daw ang swak sa composition ng team.
Kaibigan pang matalik ni James.
Kaso mas pinili na manatili sa Phoenix ni Paul.
Mas bata rin si Westbrook kaya mas matagal pakikinabangan nina Rob Pelinka.
Eka nga ni Ka Berong sa wikang Ingles ay “only time can tell” kung tama ang hakbang nina Jeannie Buss.
***
Samantala dito sa atin ay tinambakan sa Game 1 ng TNT ang katunggaling Magnolia.
Umabot pa nga sa 32 ang kalamangan at hinayaan na lang bumaba sa dulo.
Sabi ni Coach Chot Reyes ay wala yon. Makakabalik pa rin daw ang Hotshots.
Kagabi ang kanilang Game 2. Ano kaya nangyari?
***
Ngayong Sabado ang nationwide motorcade na mga “pink people”. Binansagan nilang People’s Proclamation for Leni-Kiko. Marami raw ang dadalo upang magpakita ng suporta. Volunteers ang mga ito at hindi binabayaran. Bagkus sila pa ang gumgastos. Kabilang ang National Capital Region dito.
Kaso may balita sa sa parehong petsa rin ang caravan ng walang H sa Kamaynilaan. Ano kandidato sa Davao pero kumkilos sa NCR. Wow ha. Tingnan natin kung sino dudumugin ng publiko.
Parang paligsahan sa sports. Sino mas maraming tagahanga? Alamin natin sino makakapuno ng Metro Manila.