Advertisers

Advertisers

P508m ecstasy nakumpiska sa NAIA

0 239

Advertisers

Nasabat ang P508,000 halaga o higit dalawang daang tableta ng party drugs sa sa isinagawang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group.

Sa ulat, ipinadala ang naturang droga mula Germany at naharang ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang package.

Samantala, ikinasa ang controlled delivery operations sa Barangay 49, Dagupan Street, Tondo, Maynila kung saan sumipot ang lalaking kukuha ng padala.



Kinilala ang lalaki na 22 anyos na residente rin sa Tondo.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nagpadala ng package mula Germany.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na sumipot at nakatakdang kumuha ng package.