Advertisers
NALAMBAT ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang dalawang big time tulak ng shabu nang kumagat sa buy-bust operation, Lunes ng gabi (October 25) sa Pasay City.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na sina Jake Hernandez, 21 anyos; at Lorieben Delos Santos, 18, kapwa walang asawa.
Sa ulat, 8:55 ng gabi nang isagawa ng PDEA MAMIROPA ang drug operation sa Barangay 76 MOA, Pasay City.
Nakuha mula sa dalawa ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga mg P6.8 milyon. (Gaynor Bonilla)