Advertisers

Advertisers

50 preso na ang natigok sa Covid-19

0 217

Advertisers

UMABOT na sa 50 bilanggo ang nautas sa Covid-19, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology nitong Lunes.

“Mayroon tayong 50 na casualties,” pahayag ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda.

Ayon kay Solda, 4,610 na ang naitalang Covid-19 cases sa kanilang mga pasilidad.



Sambit ni Solda, may mga comorbidities din ang mayorya ng mga nasawi sa Covid-19.

Samantala, sinabi ng opisyal na 43,000 sa 123,630 persons deprived of liberty (PDLs) ay full vaccinated na kontra Covid-19.