Advertisers
MAKALIPAS ang mabilis na pagtulong at pagdamay sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan. Namigay si Benguet caretaker at ACT-CIS Rep. Eric Yap ng ilang units ng sewing machine na panahian sa Barangay Tacadang ng Kibungan, Benget kamakailan.
“Napuna natin na kailangan ng karagdagang gamit ng mga estudyante sa Tacadang para sa livelihood programs ng mga mag-aaral dito,” pahayag ni Yap.
Hinatid din ng mambabatas ang financial assistance sa mga magsasaka na hindi nakapunta sa pamamahagi ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa kadahilanang malayo ang biyahe ng mga ito.
“Salamat po kay Congressman Eric Yap, sa tunay at wagas na pagmamahal sa Kibungan at buong Benguet. Maswerte po kami na nagkaroon ng caretaker na tulad niya,” pahayag ni Kibungan Mayor Cesar Molitas na na kasama ni Yap sa pag-iikot sa naturang barangay.
Sinamahan ni Congressman Eric Yap si Mayor Cesar Molitas na binalikan ang Barangay Tacadang sa Kibungan para dalhin ang kailangan nilang sewing machines, sikapin natin na itong mga apat na unit na sewing machine ay makapagbibigay ng karagdagan sa mga livelihood at magamit rin ng mga estudyante sa pag-aaral nila.
Karagdagang serbisyo na binigay natin ay financial assistance sa mga farmers na nakatanggap ng P5,000 mula sa pondo na ibinigay natin sa DSWD. Sila ang mga hindi nakapunta sa iskedyul ng payout sa munisipyo dahil sa malayong byahe, kaya tayo mismo ang nagdala ng tulong sa kanila.
Sa oras ng kailangan ng pagtutulungan, kailangan din na makagawa tayo ng paraan para siguradong makarating ang tulong sa mga tao na nangangailangan ng tulong. Mag-iingat tayo palagi mga kababayan.