Advertisers
PLANO ng gobyerno na matapos na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., tuluyan nang umarangkada ang first at second dose vaccination.
Batay sa talaan ng Department of Health, nasa 1.2 milyong bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos na mayroong comorbidities ang kailangang mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon pa kay Galvez, binuksan na rin ngayon ng National immunization Technical Advisory Group at iba pang mga eksperto ang pagkakaroon ng third dose sa mga health workers at immunocompromised.
Ani Galvez, oras na matapos na ang pagbabakuna sa mga bata, sunod naman ang mga health workers para sa kanilang third dose.