Advertisers
PINAMUNUAN ni Cebuana Cherry Ann “Sisi” Rondina ang opensiba ng Creamline 1 sa first leg championship ng Beach Volleyball Republic on Tour first leg matapos siya katuwang si Bernadeth Pons ay dominahin ang Good Health – CDO’s Babylove Barbon at Gen Eslapor, 21-10,21-16 Lunes sa Santa Ana, Cagayan.
Ang tambalan ng dalawa ay namayagpag sa lahat ng tournament na walang talo sa anim na laban at hindi nabigo kahit isang sets.
Isa sa winningest BVR athletes, nasungkit ni Rondina ang kanyang ika-apat na gold overall. sila rin ang lumitaw na kampeon sa Lianga,Surigao del Sur leg noong Sept.1, 2019 bago nagsara ang tour dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang second at final leg ay nakatakda sa Huwebes sa Santa Ana.