Advertisers
Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa bayan ng Mlang, Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jolan Carumba Navarro, 38, may asawa, at residente ng Purok 3, Lepaga, Mlang, Cotabato.
Sa report ng Mlang PNP, habang minamaheno ng biktima ang kanyang tap down motorcycle sa bahagi ng Crossing NIA, Buayan, Mlang, Cotabato, bigla itong niratrat ng bala ng ‘di nakilalang riding-in-tandem.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng pinaniniwalaang cal 45 pistol.
Sa salaysay ng may bahay ng biktima, nagpaalam ang mister nito na mayroong pupuntahan ngunit hindi nito sinabi kung saan ito tutungo. Laking gulat na lamang nito nang malamang patay na ang kanyang mister. Wala naman umano itong kaaway o naging kaalitan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naturang pamamaril.