Advertisers
HINDI na maaaring makapasok ang mga batang edad 12 pababa sa dolomite beach sa Manila Bay simula nitong Martes, Oktubre 26, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa isang tweet, sinabi ng DENR na ang bagong polisiya na ito ay salig sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (ITAF-EID).
Sa kaparehong tweet, sinabi rin ng DENR na isasara ang dolomite beach mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Days.
Matatandaan na sa mga nakalipas na araw ay inulan ng batikos ang DENR, pati na rin ang mga pulis, matapos na dagsain ng maraming tao ang white sand area sa kahabaan ng Manila Bay, kabilang na ang mga maliliit na bata.