Advertisers

Advertisers

Pinoy at Tsekwa kulong sa baril at droga

0 229

Advertisers

TIMBOG ang isang Pinoy at isang Chinese national nang makuhanan ang mga ito ng matataas na kalibre ng baril ang droga sa isang parking area sa isang exclusive subdivision sa Makati City, nitong Lunes.

Nasa custody ngayon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga suspek na sina Raffy Ballera at Huang Sia o Jason Lee, isang Chinese national, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon kay NCRPO director Police Major General  Vicente Danao Jr., 4:10 ng hapon nang masakote ang mga suspek sa Rental Parking Area sa San Agustin St., Salcedo Village, Bel-Air, Makati City.



Bunsod nang ikinasang buy-bust operation nang pinagsanib puwersa ng District Special Operation Unit ng SPD, Northern Police District at mga tauhan ng Makati City Police.

Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na matataas na kalibre ng baril (Spikes Tactical Apopka FL USA) na nagkakahalaga ng P100,000.00; P1,000.00 buy-bust money, boodle money, 1 gramo ng cocaine at 3 gramo ng shabu.

Dinala ang mga suspek sa NCRPO at sasampahan ang mga itp ng kasong paglabag sa RA10591 ( Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Gaynor Bonilla)