Advertisers

Advertisers

REP. VERGARA NG NUEVA ECIJA FILIPINO CITIZEN – SC

0 392

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Representative Rosanna “Ria” Vergara ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija sa Supreme Court matapos nitong ideklara na siya ay isang natural-born Filipino citizen.

Ayon sa mababatas, nagpapasalamat siya sa Korte Suprema sa pagtataguyod hindi lamang ng desisyon ng HRET at kung hindi pati ang tunay na saloobin ng mga mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija. Sa kabila ng mga pagbabatikos, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na naniwala na mangingibabaw ang integridad ng mga mahistrado at ang katarungan.

Makalipas ang limang taon, tuluyang tinuldukan ng Korte Suprema ang isyung bumabalot sa pagiging Pilipino, na ayon sa En Banc decision nito noong Oktubre 5, 2021, ipinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na kinilala ang pagiging Pilipino ni Vergara at ang kanyang kwalipikasyon na maging miyembro ng kongreso.



Ipinanganak si Vergara Nobyembre 5, 1963; parehong Pilipino ang kanyang ama at ina. Sa pamamagitan ng proseso ng naturalisasyon, naging mamamayan ng Estados Unidos si Vergara taon 1998. Taon 2006 naman nang muling maging ganap na Pilipino si Vergara.

Habang naging tanyag si Vergara dahil sa kanyang galing at husay sa industriya ng enerhiya, pinasok niya ang pulitika taon 2016 dahil sa hangarin na maiparating sa Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija ang mataas na kalidad ng serbisyo publiko na sinimulan ng kanyang asawa na si Jay sa Lungsod ng Cabanatuan noong 1998. Ninais din ni Vergara na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante ng distrito na makapamili ng kinatawan sapagkat walang tumapat sa gobernador na noon ay kumandidato bilang kongresista at ni minsan ay hindi pa ito natalo sa eleksyon. Noong nanalo si Vergara bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija noong Mayo 9, 2016, ito ang naging unang pagkatalo ni Gobernador Aurelio “Oyie” Umali sa pulitika.

Pagkatapos ng eleksyon, kabi-kabilang kasong nagkuwestiyon sa pagiging ganap na Pilipino ni Vergara ang isinampa ng kampo ng mga Umali, na pinangunahan ni Philip Piccio. Ayon sa kanila, hindi sumunod si Vergara sa tamang proseso upang muling maging mamamayan ng Pilipinas sa bisa ng Republic Act (RA) No. 9225 at hindi orihinal na mga dokumento ang nasa pangangalaga ng Bureau of Immigration (BI).

Noong 17th Congress, naglunsad ang House Committee on Good Government and Public Accountability ng isang imbestigasyon tungkol sa misteryosong pagkawala ng mga orihinal na dokumentong dapat ay nasa pangangalaga ng BI at siyang nagpapatunay sa tamang pagsunod ni Vergara sa proseso upang muling maging ganap na Pilipino ayon sa RA No. 9225. Kinumpirma rin ni BI Commissioner Jaime H. Morente na tunay na nagsumite ng aplikasyon si Vergara upang muling maging ganap na Pilipino at ito ay naaprubahan noong Nobyembre 2006.

Sa pagkumpirma ng naunang desisyon ng HRET, ipinaliwanag ng Korte Suprema na marami ang naging mga patunay na sumunod si Vergara sa tamang proseso upang muling maging ganap na Pilipino ayon sa RA No. 9225.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">