Advertisers

Advertisers

Rider inisnab red light, sumalpok sa kotse

0 211

Advertisers

Nasawi ang isang motorcycle rider nang sumalpok sa kotse na minamaneho ng TNVS driver nang hindi huminto sa red signal ng traffic light sa interseksiyon, sa Tondo, Maynila, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jon Rod Yngco, nasa hustong gulang, at nakatira sa Torres Bugallon St., Tondo.

Sinampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Edmundo Ate Jr., isang Grab driver at nakatira naman sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City sa kabila na hindi naman siya ang bumangga sa motorsiklo.



Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Traffic Management Unit, naganap ang insidente, 12:58 ng gabi, sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue malapit sa kanto ng Solis St. sa Tondo.

Nakita sa CCTV na mabilis ang patakbo sa motorsiklo ni Yngco at hindi huminto sa red signal ng traffic light sa naturang panulukan kaya diretso siyang sumalpok sa unahang bahagi ng kotse na minamaneho ni Ate.

Tumalsik pa ang biktima at saka bumagsak sa semento na dahilan ng kanyang agad na kamatayan.