Advertisers

Advertisers

6 sa 10 Pinoy gutom!

0 310

Advertisers

LUMABAS sa 3rd Quarter 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS) na 6 sa bawat 10 Filipino ang naglahad na sumama lalo ang kanilang buhay.

Sa pagtatanong sa 1,200 respondents sa iba’t-ibang dako ng bansa noong Setyembre 12 hanggang 16, 57 porsiyento ang nagsabi na sumama pa ang kanilang sitwasyon, 13 porsiyento ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay at 29 porsiyento ang nagsabing walang pagbabago.

“The September 2021 Net Gainer score is 13 points down from the very low -31 in June 2021, arresting the recovery from the catastrophic -76 in September 2020 to extremely low -48 in November 2020 and very low -38 in May 2021,” ayon sa SWS.



Sa kabuuan, kumpara sa katulad na survey noong Hunyo, dumami ang nagsabi na hindi bumuti ang kanilang kalagayan sa gitna ng pandemya.

Simula noong April 1983, 142 beses ng nakapagsagawa ng katulad na survey ang SWS para malaman ang pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga Filipino sa nakalipas na isang taon. (Josephine Patricio)