Advertisers
NAGA CITY- Arestado ang isang punong barangay ng Dahat, Lagonoy, Camarines Sur nang mahulihan ng iligal na droga.
Kinilala ang naaresto na si Barangay Captain Chiz Navea, 52 anyos, may asawa, itinuturing bilang number 3 sa Municipal Drug Watch List ng PNP.
Ayon kay Police Lt. Jaime Enciso, DCOP ng Lagonoy MPS, 10:00 ng gabi ng Lunes nang isilbi sa bahay ng opisyal ng barangay ang Search Warrant na ipinalabas ng sala ni Judge Ma. Angela Accompañado-Arroyo, Executive Judge ng RTC San Jose, Camarines Sur, para sa kasong droga.
Sa paghahalughog ng mga operatiba, narekober ang5 pakete ng shabu na may tinatayang halaga na P170,000.
Isinagawa ang operasyon ng pinag-isang pwersa ng PDEA Masbate, PDEA Camarines Sur, PDEA ROV/RSET, Lagonoy MPS MDEU at Camarines Sur PMFC.