Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 3,218 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Oktubre 27.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,660 na gumaling at 271 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (50,152) ang aktibong kaso, 96.7% (2,676,349) na ang gumaling, at 1.53% (42,348) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 25, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.06% sa lahat ng samples na naitest at 0.07% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)