Advertisers
KALABOSO ang isang delivery rider nang mahulihan ng 500 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation sa Caloocan City noong Sabado.
Kinilala ang suspek na si Arturo Del Cruz Jr., 38-anyos.
Nadakip si Del Cruz sa harap ng isang fast-food restaurant sa Loreto Street, Barangay 84 sa nasabing lungsod.
Nakuha mula sa suspek ang nabanggit na bilang ng shabu na may halagang P3.4 milyon.
Nabawi rin sa kanya ang P1,000 buy-bust money.
Ipinag-utos ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na imbestigahan pa ang mga posibleng koneksyon ng suspek sa ilang drug syndicates.