Advertisers

Advertisers

Ismagel na kotse, motor nasabat sa QC

0 211

Advertisers

Ilang mamahaling motor at kotse ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang showroom sa Xavierville, Loyola Heights, Quezon City dahil sa kakulangan sa kaukulang dokumento.

Kinumpiska ng mga tauhan ng BOC ang mga sasakyan sa bisa ng letter of authority, nang makatanggap ng ulat tungkol sa mga smuggled na sasakyan sa naturang lugar.

Ilan sa mga kotseng nadiskubre sa lugar isang Porsche Turbo, Mini Cooper, Mercedes Benz Kompressor, Toyota Sprinter, Mitsubishi Lancer Evolution, Honda Civic at isang SUV Lexus Lx570.



Nasabat din ang mga mamahaling big bike na BMW, Vespa at Ducati.

Sa kabuuan, tinatayang nasa P60 milyon ang halaga ng lahat ng itinuturing na smuggled na sasakyan.

Ayon sa BOC, kung hindi makakapagbigay ang may-ari ng mga sasakyan ng mga kaukulang dokumento sa loob ng 15 araw ay tuluyan nila itong kukumpiskahin sang-ayon sa Customs Modernization and Tariff Act.