Advertisers

Advertisers

P6.8m shabu nasamsam sa drug ops, target bulagta

0 211

Advertisers

NAGA CITY – Nasamsam ang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ng PNP CamSur , RPDEU Team Naga- CamSur at PDEA sa buybust operation sa Pili Camarines Sur, kungsaan nasaawi ang 36-anyos na suspek.

Kinilala ang nasawi na si Alvin Baldoza, ng Barangay Agos, Bato, Camarines Sur.

Sa ulat, 1:00 ng madaling araw ng Oktubre 26, ikinasa ang operasyon sa Brgy. Palestina at higit isang kilo ng shabu ang nakuha sa inilatag na high impact operation laban sa suspek.



Ayon sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nakuha kay Baldoza ang umabot sa isang kilong shabu na may standard price na P6.8 milyon.

Nabatid na isang drug surrenderee si Baldoza sa kasagsagan ng Oplan Tokhang, kinikilalang bodegero at supplier ng droga sa Camarines Sur partikular na sa Rinconada Area o ika-limag distrito ng lalawigan, maging sa ikatlong distrito ng probinsya ng Albay. Ang supply nito ay nagmumula pa sa New Bilibid Prison (NBP).