Advertisers

Advertisers

Tindero, droga ang inilalako

0 488

Advertisers

LEGAZPI CITY – Himas rehas na sa kulungan ang isang vendor nang magpositibo sa ilegal na droga sa Purok 5, Sitio Pulot, Brgy. 56-Taysan lungsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si Jasser De Mesa Samporno, 31 anyos, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, gabi ng magsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation ang Legazpi City Police Station ng kumagat sa pain ang suspek, pinagbentahan nito ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang shabu sa halagang P5,500 at habang isinasagawa ang pakikipagtransaksyon dito na inaresto si Samporno.



Narekober kay Samporno ang isa pang pirasong shabu at pera na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon, inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.