Advertisers
Patay sa pananaga ang mag-ama dahil sa tsismis sa Himamaylan, Negros Occidental.
Binawian ng buhay sa hospital si Merly Lahay-lahay, 48-anyos; at ama nitong sii Carlos Era, 70.
Kinilala ang salarin sa pananaga na si Danny Lahay-lahay, bayaw ng biktimang si Merly.
Ayon sa mga pulis, sumugod ang salarin sa bahay nina Merly na may dalang itak.
Nagalit umano si Lahay-lahay dahil ipinagkakalat na mayroon siyang kalaguyo.
Una nitong inatake ang nakababatang kapatid ni Merly. Sinubukan siyang iligtas ng kanyang ama at ate pero sila naman ang susunod na pinagtataga.
Ginagamot pa ngayon sa ospital ang nakababatang kapatid ni Merly, at tinutugis ng mga awtoridad ang salarin na tumakas matapos ang insidente.