Advertisers

Advertisers

Covid update: 3,694 bagong kaso; 3,924 gumaling; 227 patay

0 198

Advertisers

HALOS magkasingtaas ang bilang ng naitalang bagong kaso at mga gumaling laban sa COVID-19 nitong Huwebes, Oktubre 28.

Ito ay matapos na may maitalang 3,924 na bagong gumaling habang 3,694 naman ang bagong kaso ng naturang sakit.

Mataas din ang naitalang namatay ngayong araw na umabot sa 227.



Bunsod ng mga naitalang bilang, ang kabuuang kaso na ngayon ng coronavirus disease sa bansa ay umakyat na sa 2,772,491 at 2,680,081 naman sa mga gumaling na.

Ang namamatay ay pumalo na rin sa 42,575 at ang aktibong kaso ay unti-unti na ring bumaba kung saan nasa 49,835 na lamang ngayong Huwebes.

Sa patuloy na vaccination program ng gobyerno, nagpapatuloy din ang pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19 kaya naman ang full rollout ng pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 ay isasagawa na sa Nov. 3 ngayong taon. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)