Advertisers
BATANGAS – Nananatiling blanko pa ang pulisya sa pamamaslang ng isang babaeng senior citizen na pinasok sa bahay at pinagbabaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa gitna ng mahimbing nito pagtulog sa Barangay Labac, sa bayan ng Cuenca.
Agad namatay sa mga tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Beatrice Velasco na pinaslang 4:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles.
Paniwala ng mga imbestigador, matinding galit ang nagtulak sa hindi pa natutukoy na salarin, makarang makailang ulit puntiryahin ang ulo ng biktima sa hangaring tiyakin ang kamatayan ng matandang tulog pa ng mga oras na iyon.
Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat sa hangarin matukoy at dakpin ang hindi pa nakikilalang salarin.