Advertisers

Advertisers

Bomb factory ng CPP-NPA, nadiskubre sa Sorsogon

0 394

Advertisers

Nadiskubre ng mga tauhan ng pulisya at militar ang sinasabing pabrika ng bomba ng CPP-NPA sa Brgy. Dolos, Bulan sa Sorsogon.

Ito’y matapos na magsumbong ang ilang lokal na residente doon sa mga tauhan ng militar.

Agad namang nagsagawa ng joint operation ang 31 Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army, kasama ang mga tropa ng 22nd IB 903rd Infantry Brigade at Sorsogon Police Provincial Office ng PNP kung saan nakumpirma ang naturang ulat.



Kabilang sa mga narekober ng tropa sa lugar ang dalawang anti-personnel mines, anti-tank mine, binocular, 53 casing ng molotov bombs, 13 casings ng anti-personnel mines, at mga sangkap na pang-gawa ng Improvised Explosive Device (IED).

Nabatid na dahil dito, napigilan ng mga awtoridad ang possibleng pagtatangka ng CPP-NPA na maghasik nh karahasan sa lugar sa tulong ng mga mamayan.