Advertisers
ILOILO CITY – Tinaga ng isang lolo ang bagong karelasyon ng kanyang misis sa Passi City, Iloilo.
Sa report ng Passi City Police Station, tinaga ni Crisanto Layog, 80, ng Calinog Iloilo ang biktimang si Rene Dao-ang, 48, ng Passi City.
Sa ulat, tinaga ni Layog ang biktima sa likod habang nagluluto ito.
Napag-alaman na magkasama sa bahay ang tatlo, kung saan, ang biktima ang bagong live-in partner ng misis ng salarin.
Ayon sa report, dinala ng misis si Layog sa nasabing bahay dahil matanda na ito at wala nang nag-aalaga.
Posible umanong nagselos si Layog kaya’t tinaga niya ang biktima.