Advertisers
Isang gwardya ang naaresto sa ikinasang drug buybust operastion sa kahabaan ng Sinsaut Avenue sa bahagi ng Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City, nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek na si SG Romel Galleto Jagonob alyas Chief, 43 anyos, may asawa, gwardiya ng McKinsmens Agency, at residente ng Brgy. New Kulasi, Pigcawayan, Cotabato.
Nakuha sa pag-iingat ni Jagonob ang tatlong pakete ng shabu na may timbang na .07 grams at nagkakahalaga ng P1,000, isang caliber .45 na pistola na may bala at magazine at ang buybust money na ginamit sa opersayon.
Aminado ang suspek na kaniya ang nakuhang mga item ngunit itinanggi nitong sangkot siya sa pagtutulak ng iligal na droga.
Sa ngayon, nakapiit na si Jagonob sa custodial facility ng kapulisan at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.