Advertisers

Advertisers

5 sa 8 timbog sa pot session

0 341

Advertisers

Arestado ang tatlong drug personality at limang indibiduwal habang bumabatak sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte.

Kinilala ang unang suspek na si Johua Encarquez,19 residente ng Brgy. Gaya-gaya.

Base sa report ng mga pulis, naaresto si Encarquez ganap na 2:30 sa Brgy.Gaya-gaya.



Nadakip ang mga suspek sa reklamo ng concern citizen, kaugnay sa illegal na gawain nabatid ilang beses nang nagsagawa ng surveilance sa lugar.

Nakumpiska sa operasyon ang 30 plastic sachets na hinihinalang shabu.

Arestado rin ang dalawang drug personality sa Ridgepoint Brgy. Kaybanban na sina Cloyd Jerald Morgado at Renzo Panaligan.

Samantala, arestado rin ang limang suspek na sina Jeremiah Mabini, John Venson Mallorca, Jovert Radam Jr., John Matthew Barberan at Lorenz Vinluan ng Brgy .Muzon.

Kasong paglabag sa republic act 9165 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek.(Thony Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">