Advertisers

Advertisers

BILIS KILOS ANG SAGOT SA COVID; HINDI FACE SHIELD

0 436

Advertisers

IBA nga ang mas maagap kaysa mas masipag.

Ipinakita ito ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Fracisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nang agad na umorder ng 40,000 kapsula ng Molnupiravir kaysa hintayin ang emergency use authorization (EUA) mula sa United States Food and Drug Administration (FDA).

Ginawa ito ni Yorme Isko ayon sa impormasyong ibinigay ni Dr. Willie Ong na ang Molnupiravir ay mabisang pangontra laban sa COVID-19.



Ayon sa alkalde, mas pagtitiwalaan niya ang gamot laban sa virus, kaysa face shield na walang konkretong batayan sa siyensa na panlaban nga sa nakamamatay na coronavirus.

Una rito, iminungkahi na ni Dr. Ong – kandidatong bise presidente ni Isko – sa Department of Health (DOH) na mag-abiso na sa pagbili ng Molnupiravir dahil sa ito ay mahusay na gamot at makapagliligtas ng buhay ng mga nagpositibo sa pandemyang COVID-19.

Marami ang natuwa sa ginawa ni Yorme Isko at ito ay patunay na kailangan ngayon ng bansa ang isang lider na mabilis kumilos para sa kapakanan ng taumbayan.

Bilis Kilos ang inaadhikang galaw ng partido ni Yorme na mabilis na umaani ng malakas na suporta sa mga botante.

“‘Yan ang gusto namin kay Yorme Isko, … mabilis kumilos. E kasabihan nga, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo. Bilis kilos ang kailangan natin laban sa problema,” wika ng isang netizen.



Gayundin, tinawag ni Isko ang pansin ng gobyerno na unahin ang pagkuha ng iba pang gamot laban sa virus tulad ng Remdesivir at Tocilizumab.

Wika ni Yorme Isko, mas gusto niya ang gamot tulad ng Molnupiravir, Remdesivir at Tocilizumab kaysa face shields.

“So, kung ito yung mga bagay na makabubuhay sa tao, makapagdudugtong ng buhay ng tao, then I will not spend P4 billion for face shields. That’s P4 billion put to waste, wala namang science,” sabi ni Isko.

Mas mura ang Molnupiravir na P87.50 bawat kapsula kaysa halaga ng Remdesivir at Tocilixumab, ayon sa alkalde.

Sinabi pa ni Yorme Isko na sa oras na mabigyang permiso ang paggamit ng Molnupiravir, dalawang kapsula nito sa isang araw sa loob ng limang araw ang ipaiinom sa mga pasyenteng may bahagyang sintomas ng virus para sa mga pasyente sa pitong publikong ospital ng Maynila.

Gayunman, hihintayin muna ang paglalabas ng special permit na ibibigay ng FDA bago ito ipainom sa mga pasyente.

Sinabi ni Dr. James Albert Flores, pulmonologist ng Sta. Ana Hospital na kailangang kumilos nang mabilis ang gobyerno sa pagkuha ng mga bakunang kontra COVID-19 at iba pang gamot laban sa mga sakit.

Pinansin ni Flores na laging nahuhuli ang Pilipinas sa pagkuha ng mga bakuna laban sa COVID.

Ang iba pang, kahit wala pa ang special permit ay nauuna nang umoorder ng gamot para sa kanilang mga mamamayan.

Kaya ang nangyayari, “noong na-aprubahan na, ginagamit na nila agad,” sabi ni Flores.

Iginiit naman ng DOH na hihintayin muna nila na makuha ang EUA ng US FDA bago kumuha ng abiso sa pagbili ang gobyerno.

Sinabi naman ni DOH Undersecretary at FDA director general Eric Domingo na pinapayagan ang special permit kung handang panagutan ng doktor ang magiging resulta sa pasyenteng bibigyan ng gamot.

Nagkakaisa ang mga experto na pinakamabisa pa rin ang bakuna laban sa pandemyang COVID-19.

“Kaya kami sa Maynila ay pursigido sa vaccination campaign at ang mga 12-17 year old na Manilenyo ay binabakunahan na namin para sa kanilang kaligtasan,” sabi ni Yorme Isko.