Advertisers

Advertisers

Ex-clerk arestado sa pamemeke ng dokumento

0 332

Advertisers

ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang retired clerk nang arestuhin sa kasong falsification of public documents sa Brgy. Guimod Sur, San Juan, Ilocos Sur nitong Biyernes.

Kinilala ang akusado na si Teresita Villa y Paulo, 79, walang asawa, residente ng Brgy. San Isidro ng naturang bayan.

Inaresto si Villa ng mga pinagsanib na puwersa ng San Juan Municipal Police Station (lead unit), ISPIU, ISPIDMU at HPG-Ilocos Sur sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng 5th Municipal Circuit Trial Court, Dingras-Marcos, Ilocos Norte na may petsang October 19, 2021.



At P12,000 ang inirekomendang piyensa para sa akusado.