Advertisers
Arestado ang isang babae nang makuhanan ng higit P1 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Davao City, Huwebes ng gabi.
Ayon sa pulisya, nabilihan ang 54-anyos suspek ng dalawang malaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P62,000 sa Purok 1, Barangay Talomo Proper.
Nakuha rin mula sa kaniya ang 10 iba pang pakete ng shabu na may timbang na 70 gramo at nagkakahalaga umano ng P1,120,000.
Sasampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.