Advertisers

Advertisers

Lalaki pinatay sa loob ng motel

0 398

Advertisers

NALILIGO sa sariling dugo at wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng motel nang mag-check-in kasama ang isang babaeng di-pa nakikilala, sa Consolacion, Iloilo, nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Teddy Manhilot, 46, at residente sa Brgy. Lamac, Consolacion City.

Sa report ng Consolacion Police Station, 6:30 ng hapon ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 ng maganap ang krimen sa loob ng motel na matatagpuan sa Brgy. Tilhaong, ng nasabing lungsod.



Tinutugis ng mga awtoridad sa isa sa person of interest ang babaeng kasama ng biktima sa loob ng kuwarto.

Base sa kuha sa CCTV footage nakita pa ang babaeng tumatakas na nakasuot ng t-shirt na kulay orange, naka short pants na kulay brown, tinatayang nasa edad 40-45 at may taas 5’2 hanggang 5’3.

Ayon sa mga kawani ng motel, matagal na nilang kustomer ang biktima at salarin na palaging nakasakay ng taxi at kapag nag-check in sa kanila.

Anila, bago ang insidente tumawag pa sa kanilang ang biktima at umorder ng beer at sinabing punuin ang baso nito habang naririnig nilang nagtatalo ang dalawa.

Ilang oras ang makalipas, nakita na lamang nila ang kasamang babae na lumabas ng silid at dali-daling nakasakay ng sasakyan na hindi napansin ang plaka.



Agad naman tinungo ng mga tauhan ng motel ang silid ng biktima at nakita nilang naliligo ito sa sariling dugo at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Nakapulot naman ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ng mga basyo ng kalibre .45 na baril at mga bala.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman ang babae sa pagkamatay ng biktima o kung aksidente ang nangyari.

Posible rin umanong selos ang motibo ang krimen