Advertisers

Advertisers

2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo

0 198

Advertisers

NASAWI ang 2 rider nang magbanggaan ang mga sinasakyan nilang motorsiklo sa Roxas City, Capiz nitong Linggo ng madaling araw.

Nasugatan din sa insidente ang tatlong angkas ng mga rider na sina Mike Anoche at Gesmark Alborte.

Sa imbestigasyon ng Roxas City police, sakay ng motorsiklo si Anoche at may 2 angkas nang bumangga sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Alborte na may isang angkas sa Barangay Baybay.



Mabilis na rumesponde ang emergency response team at dinala sa ospital ang mga biktima. Pero idineklarang dead on arrival sina Anoche at Alborte dahil sa mga malubhang sugat sa ulo.

Agad namang nakauwi ang 3 nasugatan matapos lapatan ng paunang lunas ng mga emergency responder.

Napag-alaman ng mga awtoridad na mabilis ang pagpapatakbo ng mga biktima ng kanilang mga motorsiklo at walang suot na helmet ang mga ito nang mangyari ang insidente. Nakainom din umano ng alak ang mga ito.