Advertisers

Advertisers

2 rebelde todas sa bakbakan

0 250

Advertisers

MT. PROVINCE – Tigok ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makipagbakbakan sa mga grupo ng sundalo at pulis sa Sitio Masameyeo, Barangay Gueday, Besao dito, Sabado ng madaling araw, Oktubre 30.

Isa sa mga napatay ay nakilalang si Marcos Kina-ud Yocogan aka Corel/Timmy, residente ng Bangaan, Sagada, Mt. Province; at ang kasama nito nakilala lamang sa alyas “Simon”.

Si Yocogan ang lider ng Kilusang Larangang Guerilla Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (KLG-AMPIS) ng NPA.



Bago ang bakbakan, nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion at ang Besao Municipal Police Station na may mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nangingikil o nanghihingi ng pagkain sa naturang lugar.

Sa pagresponde ng mga sundalo at pulis, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng dalawang grupo.

Narekober sa lugar ng bakbakan ang 2 R4 rifle, 2 bandolier na may kargang siyam na magazine na puno ng mga bala, 2 two-way radio, isang improvised explosive device (IED), medical supplies, isang sako ng bigas, personal belongings ng mga rebelde at ilang subersibong dokumento.

Walang naiulat na sugatan mula sa grupo ng mga pulis at militar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">