Advertisers
COTABATO CITY – Patay ang isang empleyado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang pagbabarilin ng riding in tandem criminals Biyernes ng gabi sa bahagi ng Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City.
Ang biktima ay nakilalang si Angilie Lomongo, empleyado ng BFAR, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) nitong Sabado.
Tinambangan ang ang biktima 6:40 ng gabi sa Sousa Street, Barangay Rosary Heights 13.
Sa initial investigation ng City Police Station 2 sa pangunguna ni Police Capt. Rustum Pastolero, si Lomongo, 29 anyos, ay residente ng Barangay Rosary Heights 13.
Ayon kay Pastolero, naka-angkas ang biktima sa kanyang asawa at binabaybay nila ang Sousa Street nang dikitan sila ng riding in tandem at pinagbabaril ng apat na beses sa likod ang biktima.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.