Advertisers
PATAY sa pamamaril ang isang mamahayag sa Bansalan, Davao del Sur, Sabado ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Orlando “Dondon” Dinoy, reporter ng online Newsline Philippines, blocktime anchor ng Energy FM at dating correspondent ng SunStar Superbalita Davao, taga-Bansalan.
Kinumpirma ni Bansalan Police chief, Major Peter Glen Ipong, ang pagka-kapatay kay Dinoy.
Sa report, 6:00 ng gabi nang pasukin ng gunman ang apartment ni Dinoy at pinagbabaril ito gamit ang kalibre .45 pistol sa Mother Ignacia Street, Barangay Poblacion Uno, Bansalan.
Mabilis na tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.
Nagtama ng tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo at dibdib.
Batay sa Global Impunity Index 2021 ng Committee to Protect Journalists’ (CPJ), nasa ika-pitong pwesto ang Pilipinas sa mga itinuturing na “worst countries” pagdating sa mga hindi nareresolbang kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag.
Sa nakalipas na sampung taon, 13 kaso pa ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa ang hindi parin nareresolba.
Samantala, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Dinoy.
Sinabi ni Eleazar na tinitignan ang lanat ng mga posibleng angulo upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan para agarang pagkakadakip ng salarin.
Hinikayat rin ni Eleazar ang mga miyembro g media na agad magsumbong sa mga otoridad kung nakatatanggap ng mga pagbabanta upang mapotektahan sa anuman uri ng pag-atake. (Ronald Bula/Mark Obleada)