Advertisers

Advertisers

Lider ng NPA na may P7.8m sa ulo todas sa bakbakan

0 264

Advertisers

PATAY sa engkwentro ang isa sa mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) Sabado ng gabi, Oktubre 30.

Kinilala ang nasawi na si George ‘Ka Oris’ Madlos, tagapagsalita ng NPA-CPP.
Sa isang statement, sinabi ng 4th Infrantry Division ng Philippine Army na nangyari ang bakbakan sa bulubundukin na bahagi ng Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon.

Nagtagal ng kalahating oras ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at nasa 30 rebelde.



Nang matigil ang putukan at i-clear ng mga sundalo ang lugar, natagpuan ang patay na katawan ng dalawang indibidwal, na ang sa isa ay kinumpirmang top commander ng grupo.

Narekober sa pinangyarihan ang M14 rifle, KG9 rifle, mga bala, iba pang war materials at iba’t ibang gamit.

Ayon sa militar, isa si Madlos sa most wanted New People’s Army commander sa bansa dahil sa kabi-kabilang kaso nito katulad ng pagnanakaw, double homicide, damage to properties, multiple murder at frustrated murder. At may patong sa ulo na P7.8 milyon ang sinumang makapagtuturo o makahuhuli rito buhay o patay.

Nanawagan naman si Brawner sa iba pang rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Samantala, malaking dagok sa Communist Terrorist Group (CTG) sa Mindanao ang pagkakapatay kay Madlos.



Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino, malaking kawalan sa grupo si Madlos, at ang kaniyang pagkamatay ang magdudulot ng pagkakaudlot sa rebeldeng grupo na ipursige pa ang kanilang mga paghahasik ng karahasan.