Advertisers

Advertisers

P5.3m cocaine at matataas na kalibre ng baril nakumpiska sa Tawi-Tawi

0 260

Advertisers

ARESTADO ang isang drug suspect sa buy bust operation sa Pundohan Tapis, Barangay Sipangkot, Sitangkai, Tawi-Tawi, noong Biyernes.

Kinilala ang nadakip na si Basir Daud, 49 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa Sitangkai PNP sa pangunguna ni Cpt. Alberto Bartolome, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng PDEA at AFP.



Nakuha kay Daud ang isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 million at isang M16 Rifle.