Advertisers

Advertisers

ASAWA NI KA ORIS NA SI MARIA MALAYA NEXT TARGET NG MILITAR!

0 383

Advertisers

MATAPOS ang pagkapatay sa top leader ng New People’s Army (NPA) sa bansa na si “Ka Oris”, target isusunod ng militar ang neutralization ng asawa nito na si Myrna Solarte alyas “Maria Malaya”.

Sinabi ito ni Major General Romeo Brawner, Commanding Officer ng 4ID, PA, na sunod nilang target ng kanilang operasyon si Myrna Solarte.

Sinabi ni Brawner na si Solarte ang kasalukuyang pinakamataas na opisyal ng NPA sa CARAGA Region. Agad aniyang ikakasa ang pursuit operation sa Region 10 at Region 13 kungsaan nagtatago ang iba pang miyembro ng NPA kasama ang nabanggit na asawa ni Ka Oris.



Pinangalanan din ng militar si “Boling Kabalo”, secretray general ng regional committee ng North Central Mindanao Regional Committee ng CPP NPA NDF sa Bukidnon.

Sa huli, muling ipinaalala ng AFP bilang pangunahing ahensiya na tumututok sa operasyon ng insurhensiya sa bansa sa mga natitira pang kasapi ng CPP NPA NDF sa bansa na magsipagbalik-loob na sa pamahalaan.

Isa rin sa nabanggit ni General Barandon na kung patuloy magmamatigas ang mga ito, hindi malayo na sapitin din nila ang kapalaran ng kagaya ni Ka Oris.