Advertisers
LUMAGDA ang Commission on Elections (Comelec) ng P535.99 milyong kontrata sa F2 Logistics, ang kumpanyang pagmamay-ari ni Davao businessman Dennis Uy, sa pamamahagi ng mga balota, vote-counting machines, at iba pang election paraphernalia para sa 2022 elections.
Matatandaang una nang tinutulan at kinuwestiyon ang kasunduang ito sanhi ng conflict of interest dahil si Uy ay kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinirmahan nina Comelec Commissioner Sheriff Abas at F2 Logistics president Efren Uy ang kasunduan nitong Oktubre 29.
Nakasaad sa ilalim ng 32-pahinang kontrata na F2 Logistics ang maghahawak ng forward and reverse logistics sa mga kagamitan na may kinalaman sa automated election system, kagaya ng vote-counting machines, transmission equipment, at iba pa.
Ito rin ang magdadala ng official ballots, ballot boxes, voters’ lists, at iba pang suplay sa buong bansa.
Dinaig ng F2 ang LBC Express, 2Go Express, at Airspeed International sa pagkamit ng logistics deal, sa pinakamababang alok na P535.99 milyon.