Advertisers

Advertisers

Covid update: 3,117 bagong kaso; 5,124 gumaling; 104 patay

0 201

Advertisers

KARAGDAGAN pang 3,117 kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Nobyembre 1.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,124 na gumaling at 104 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (43,185) ang aktibong kaso, 96.9% (2,703,914) na ang gumaling, at 1.55% (43,276) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 30, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ang pagsunod sa safety health protocol pa rin ang mahigpit na paalala ng DOH bagaman patuloy na nakikitaan na ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)