Advertisers

Advertisers

Mag-asawa na ‘Kapa’ scammers timbog

0 259

Advertisers

ARESTADO ang mag-asawang sangkot sa operation ng Kapa Community Ministry International ng investment scam sa isinagawang operation sa Butuan City.

Kinilala ang nadakip na sina Samso Amores, 53 anyos; at Analita Amores, 46, kabilang sa Top 5 at 6 na most wanted sa Butuan City.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, inaresto ang mag-asawang Amores sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Libertad Regional Trial Court Branch 2



Sinabi ni Eleazar na magpapatuloy ang pulisya sa pagtugis sa iba pang natitirang suspek sa Kapa investment scam upang panagutin sila sa batas.

Nauna nang naaresto ng mga otoridad ang Kapa founder na sj Joel Apolinario at 23 iba sa Surigao Del Sur matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng operatiba at miyembro nito sa operation sa Surigao Del Sur noong July 2020.

Sangkot ang Kapa group sa scam kungsaan nagbibigay ng “love gift for life” ng P10,000 kapalit ng 30 percent na tubo kada buwan. Ang grupo ay nakatangay ng mahigit sa P10 billion sa mga investor sa Mindanao. (Mark Obleada)